Nanindigan si United Kingdom Prime Minister na hindi bumaba sa puwesto sa gitna ng mga bagong panawagan ng kanyang pagbaba sa isyu ng lockdown parties sa Downing Street.
Sa ngayon ay hinihintay ng MPs ang paglabas ng findings sa imbestigasyon kaugnay sa isyu.
Kaugnay nito ay kumasa si Johnson sa hamon na anuman ang resulta ng imbestigasyon ay ilalabas nito sa publiko nang buo.

Binigyang diin nito na bibigyan niya ng panahon ang opposition parties na pag-aralan ang laman nito bago siya maglabas ng Commons statement.
Matatandaan na nagsagawa ng imbestigasyon ang civil servant na si Sue Gray sa mga alegasyon ng paglabag ni Prime Minister sa mga restriction sa gitna ng pandemya.
Inakusahan naman ng Prime Minister ang Labour leader na si Sir Keor Starmer ng pagiging “relentlessly opportunistic” sa pandemya sa pagtutok nito sa kanyang position sa lockdowns gayung maraming mas malalaking desisyon itong nagawa nang tama.