CAMARINES NORTE- Organisado na ang hanay ng mga panindang prutas sa Jose Panganiban Public Market.
Kung dati, nasa gilid-gilid lamang ng palengke ang mga panindang prutas at kung minsan ay kalat-kalat pa ang mga basket nito na nakakaharang sa lakaran ng mga tao, ngayon ay may sarili nang Fruit Section ang naturang Pamilihang Bayan.
Sa ibinigay na impormasyon ng Public Information office ng naturang LGU, Dahil sama-sama na sa iisang section ang mga prutas, siguradong mas magiging attractive na ang mga ito at mas lalong maeengganyo ang mga mamimili na tangkilikin ang mga produkto ng Jose Panganiban Fruit Vendors.
Layon ng naturang LGU sa pangunguna ni Mayor Ariel M. Non na mas maging organisado at malinis ang paligid ng Pamilihang Bayan upang dumami ang mga konsyumer na mamimili rito araw-araw.
Umaasa naman ang alkalde na sa pakikipagtulungan ng mga vendors, mas magiging malakas ang pagnenegosyo ng prutas sa Jose Panganiban.

