Buy-bust operation isinagawa ng Paracale MPS: 46 anyos na lalaki arestado!

CAMARINES NORTE- Nagsagawa ang mga operatiba ng pulisya sa pangunguna ng Paracale MPS dakong 1:30 ng hapon nitong Miyerkules, Hulyo 7, 2021 sa Purok 3, Barangay Gumaus, Paracale ,Camarines Norte

Ang akusado ay kinilalang si Ronaldo Habitan y Bazar, 46 taong gulang residente sa naturang lugar

Nakuhanan ng mga kapulisan ang suspek ng ilang ebidensya tulad ng isang (1) maliit na pakete ng hinihinalang shabu na nagsilbing Buy-Bust Drug na umaabot sa halagang Limang daang piso (Php500), Isang(1)  limang daang piso na buy-bust money at Pitong (7)  piraso ng maliliit na pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu na umaabot sa halagang dalawang libo at limang daang piso (Php2,500)

Read More:  Senior couple stabbed after offering shelter from rain to stranger in Cebu

Samantala, ang pagkumpiska sa mga nasabing ebidensya ay nasaksihan ng mga opisyales ng naturang barangay at isang media representative.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Sa kasalukuyan ang akusado ay nasa kustodiya na ng Paracale MPS kasama ang mga nasabing ebidensya upang kaharapin ang kanyang kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Article ll ng RA 9165