Francine Diaz, humingi ng tawad matapos maling mabasa ang pangalan ng K-pop boy group

Humingi ng tawad ang aktres na si Francine Diaz matapos niyang maling mabasa ang pangalan ng K-pop boy group na Tomorrow BY Together.

Ito’y matapos niyang i-present ang Global K-pop Leader award sa nasabing boy group sa 1st Asia Star Entertainer Awards (ASEA) na ginanap sa Yokohama, Japan.

Imbis kasi na Tomorrow BY Together, ang nasabi ni Francine ay Tomorrow Times Together, na binatikos ng mga K-pop fans.

Tinagurian din siyang “Multiplication Queen” at “lucky charm” ng grupo dahil matapos nito, nag multiply pa lalo ang mga natatanggap nilang award.

Ayon kay Francine, hindi naman siya aware sa tamang basa kaya’t humihingi siya ng tawad, lalo na’t hindi rin siya updated gaano sa mundo ng K-Pop.

###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *