Former VP Robredo at ang buong team Naga posibleng magkaharap-harap na para plansahin ang gusot sa isyu politika ; Cyber libel isinampa ni City Mayor Legacion sa diumano’y nagpapakalat ng fake news 

NAGA CITY –Tuluyan ng sinampahan ng kasong cyberlibel ni Naga City Mayor Nelson Legacion ang nagpapakalat ng diumano’y fake news laban sa kanyang liderato, bilang alkalde.

Sa mismong post ng alkalde, naisumite ang dokumento sa City Prosecutor Office na may petsang June 26,2023.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Hindi naman malaman kung sino ang kinasuhan dahil tinakpan ang pangalan nito.

Nakakuha naman ito ng atensyon sa mga netizens at kanya-kanyang komento, may pabor  sa alkalde at may kontra naman.

Kaugnay nito, sa panig naman ng Sangguniang Panglungsod ng Naga, sinabi sa media ni City Vice Mayor Cecilia “nene” de Asis na ang Team Naga ay solido pa rin lalo na sa konseho dahil kung may problema agad naman nilang pinag-uusapan.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

May nakatakda na rin silang gaganaping pag-uusap nina Former Vice President Atty. Leni Robredo para maplantsa na ang sinasabing pagkahati-hati ng Team Naga dahil sa isyu politika.