Kulong na ngayon ang isang Jonard Escalona Manlapaz Alias “Meme” 34 anyos na residente ng Purok Mabuhay, Brgy. Napsan, Puerto Princesa City.
Hinuli ito bandang alas-nwebe ng umaga nitong Martes, July 4.
Siya ay inaresto ng mga tauhan ng Police Station 2 sa pangunguna ni PMAJ. NOEL A. Manalo kasama ang iba pang Law enforcement unit.
Ang akusado ay may kinakaharap na kaso na Statutory Rape under Art. 266-A, No. 1(D) in rel to Art. 266-B (3 counts) na walang inirekomendang pyansa ang hukoman.