PH, patuloy na nakikipagtulungan sa Indonesia para limitahan ang mga galaw ni Alice Guo

Patuloy na nakikipagtulungan ang mga awtoridad ng Pilipinas sa Indonesia upang limitahan ang mga galaw ni dismissed Bamban Mayor Alice Guo.

Ayon kay PAOCC spokesperson Winston Casio, minamadali na nila ang proseso ng blue notice sa International Criminal Police Organization o Interpol.

Read More:  BAN Toxics urges removal of unauthorized squishy toys over potential health risks

Sa ngayon, wala pang natatanggap na ulat ang counterparts ng Pilipinas sa Indonesia na tumawid na ng border si Guo mula nang dumating siya doon.

Read More:  Marcos tells Filipinos “don’t panic” as peso hits record-low ₱64.17 against dollar

Naniniwala ang PAOCC na si Guo at ang kanyang mga kasama ay hindi makakaalis sa kanyang kinaroroonan dahil ang buong Indonesia, gayundin ang mga kalapit nitong bansa, ay mahigpit silang binabantayan.