CAMARINES NORTE- Dumating noong biyernes ng umaga sa lalawigan ng Camarines Norte ang isang foreign vessel na magsasagawa ng cable installation sa Barangay Bagasbas dito sa bayan ng Daet.
Ang barkong CS Resolute sakay ang 66 na crew mula sa iba’t- ibang bansa kabilang ang ilang Pilipino ay nagsasagawa ng cable laying para sa Jupiter project sa loob ng Philippine Water.
Ayon sa Philippine Coast Guard galing sa Port Irene Cagayan ang barko bago dumating dito sa lalawigan.
Pero bago ito ay nanggaling na rin ang barko sa iba’t- ibang bansa tulad ng Guam, Taiwan at Japan.
Tiniyak naman ng PCG na kumpleto ang mga papeles ng naturang barko mula sa iba’t- ibang ahensiya ng gobyerno.
Hindi maaaring bumaba ng barko ang mga crew habang sila ay nandito sa lalawigan at ang kanilang aktibidad ay limitado lang sa cable laying ng submerged PLDt cable.
Mayroong magbo- board na custom officer at ito rin ay bantay sarado ng Bureau of Custom at Immigration.
May mga sinusunod na panuntunan kapag ang isang foreign vessel ay nasa loob ng bansa.
Ginawa ng PCG ang pagtitiyak sa gitna na rin ng banta ng COVID- 19 lalo’t nakapasok na sa bansa ang mabagsik na Delta variant.
Nagpalabas rin ng Notice to all Mariners ang National Headquarters ng Coast Guard bago pa man dumating ang naturang barko.

