Binatang nagbebenta ng marijuana timbog sa buy bust operation sa Mercedes

CAMARINES NORTE- Timbog ang isang lalaki na nakuhaan ng pinatuyong dahon ng marijuana sa isinagawang buy bust operation ng mga pulis sa Purok 3, Barangay 5, Mercedes, Camarines Norte, Sabado ng gabi.

Kinilala ang suspek na si James Adrian Botabarra y Dacillo 21, binata at residente sa nabanggit na lugar.

Ayon sa pulisya, nakuha kay Botabarra ang isang pakete ng selyadong plastic na naglalaman ng hinihinalang tuyong dahon ng marijuana na may timbang na humigit kumulang isang gramo na nagkakahalaga ng P500.00.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Bukod dito nakuha din sa suspek ang lima pang pakete na naglalaman din ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na may timbang na tinatayang mahigit kumulang 3. 5 gramo na nagkakahalaga ng P3,000. 00 at buy bust money.

Ayon kay PNP Provincial Director PCol Julius Guadamor hindi lang iilan ang maaaring maging biktima kapag nagpatuloy ang paglaganap ng iligal na droga.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Kaya naman umapela ang PNP sa publiko na suportahan ang kanilang ginagawang kampanya kontra  sa paglaganap nito.