Flight Naga, Camarines Sur -Cebu City , nagsimula na

NAGA CITY- Lumipad na ang unang biyahe ng eroplano mula sa Naga Airport sa Camarines Sur patungo sa Cebu City kahapon.

Simula Marso 26, 2023 regular na ang biyahe ng Lunes, Miyerkules , Biyernes at Sabado, alas 2:05 ang departure.  Mas madali na ito para sa mga babiyahe patungong Cebu at magiging daan din sa mas maraming turista sa lalawigan ng Camarines Sur ayon kay Officer-in-Charge Jun Orbon.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Sa kasalukuyan naoobserbahan din ng pamunuan ng paliparan na unti-unti nang dumarami ang mga pasaherong dumarating at umaalis ngayong tag-init at paparating na Semana Santa. Lagi aniyang full capacity pero wala pang abiso ng dagdag na flight ang Naga- Manila.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Nakamonitor ang pamunuan sa kaligtasan ng mga eroplano, well maintained ng mga airline companies na nakabase pa sa Maynila. Bukod dito, nakabantay din ang airport police , may mga nurses din para sa kaligtasan ng mga nasa Naga Airport sa Pili Camarines Sur.