CAMARINES NORTE- Nakapag-renew na ng Safety Seal ang mga pasilidad ng BJMP sa lalawigan ng Camarines Norte
Naganap ito noong ika-19 ng Marso, taong kasalukuyan. Patunay umano ang Safety Seal Certificate na sumusunod ang pasilidad ng BJMP sa Camarines Norte sa mga panuntunan sa pagpapatupad ng safety and health protocols sa mga piitan.
Kabilang umano d’yan ang Provincial, Daet District Jail, Labo District Jail, at mga Jail Nurses sa tagubilin ng mga Wardens kung saan ay napapanatiling Zero Covid case at ligtas ang mga PDL sa banta ng anumang sakit o kung hindi man ay nabibigyan ang mga ito ng kaukulang atensyong medical.
Nagpasalamat naman ang pamunuan ng BJMP sa Safety Seal Inspection Team sa masusing pag-iinspeksyon ng mga pasilidad.
