Flexible work arrangement maaaring i-adopt sa gitna ng nararansang matinding init ng panahon ayon sa CSC

CAMARINES NORTE – Inihayag ng Civil Service Commission na maaaring i-adopt ng mga opisina ng gobyerno ang flexible work arrangement ngayong nararanasan ang matinding init ng panahon.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Camarines Norte CSC Director II Atty. Alicia Salinas inihayag nito na mayroong inilabas na Memorandum Circular ukol dito ang CSC noong panahon ng pandemya at noong 2022 ay na- institutionalized na ito.

Ani Salinas pinapayagan ang work from home sa mga ganitong pagkakataon basta nasusunod ang mga parameters depende sa mapagkakasunduan sa opisina.

Aniya, may mga trabaho naman talaga na pwedeng dalhin sa bahay pero mayroon din namang  kailangan talaga itong gawin sa opisina.

Dapat din umanong i- monitor ang trabaho ng empleado at may mga accomplishment na dapat isumite na patunay na ginawa niya ang trabaho kahit nasa bahay.

Hindi rin umano pwedeng walang maiiwan sa opisina na siyang tutugon sa mga agarang serbisyo.

Gayunman aminado si Salinas na may higit na bigat ang pag- adopt sa flexible work arrangement kung mayroong deklarasyon ng state of calamity sa isang lugar.

Bukod sa work from home pwede rin umanong ipatupad ang “flexi time” sa trabaho tulad ng ginagawa ng iba na 4- day work pero dapat masunod pa rin ang itinatakdang oras ng trabaho.

Dapat pa rin aniyang mag- render ng 40 hours work sa isang linggo ang empleyado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *