40 degrees Celsius o higit pa asahan ngayong weekend sa Camarines Norte

CAMARINES NORTE – Asahan pa rin ang matinding init ng panahon na mararanasan sa lalawigan ng Camarines Norte ngayong weekend.

Batay sa pagtaya ng pagasa asahan ang 40 degrees Celsius na heat index ngayong Sabado,May 4 at 42 degrees Celsius namansa linggo, May 5.

Batay ito sa 5- day computed at 2- day forecast ng Pagasa Southern Luzon.

Ayon sa Pagasa kapag umabot na sa 42 degress Celsius o higit pa ang init na nararamdaman ng katawan posible itong mauwi sa heat cramps at heat exhaustion na maaaring mauwi pa sa heat stroke.

Nagpaalala naman ang Department of Health Bicol hinggil sa mga pag- iingat na kailangang gawin upang maging ligtas ngayong tag- init.

Kabilang sa mga sakit na maaaring makuha ngayong tag init ay ang food poisoning, diarrhea, at iba pang heat associated illness lalo na ngayong panahon ng mga fiesta.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *