Fishing expedition ng PAMALAKAYA at iba pang mangingisda sa Masinloc – naging matagumpay

Naging mapayapa ang ikinasang ‘collective fishing expedition’ ng PAMALAKAYA at iba pang mga mangingisda sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Pangako ng Nazareno Tatag ng Grupo (PANATAG) Vice Pres for Admin, and PAMALAKAYA-Zambales Provincial Coordinator Joey Marabe, matagumpay ang kanilang pangingisda, at ligtas silang nakabalik sa dalampasigan.

Sa hiwalay na panayam, kinumpirma ni PAMALAKAYA national vice chairperson Ronnel Rambulo na ‘di sila nakaranas ng ano mang harassment mula sa China.

Nasa mahigit 20 mangingisda ang nakilahok.

Sumama rin ang ilang miyembro ng ilang grupo gaya ng Kabataan party-list at Gabriela party-list.

Inaasahan namang masusundan pa ang kanilang expedition.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *