Mayor Guo – hinamong magpa-DNA test kasama ang pinaniniwalaang Chinese biological mother

‘Defective’

Ganyan kung ilarawan ni Senador Win Gatchalian ang birth certificate ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na posibleng sanhi umano ng pagsisinungaling ng kanyang tatay.

Alinsunod nito, binigyang-diin niyang importanteng sumailalim ito at maging ang Chinese national na nagngangalang Lin Wen Yi sa DNA test upang malaman kung konektado ba sila sa isa’t isa.

Si Lin ang pinaniniwalang biological mother ni Guo na siyang kasama rin nila bilang incorporators sa ilan nilang negosyo sa pamilya at nakita rin sa records ng Bureau of Immigration (BI) na kasa-kasama ito ng tatay ng alkalde sa paglabas sa bansa.

Anya, wala namang mawawala kay Guo kung gawin niya ito at mas papabor pa umano ito sa alkalde para mapatunayan ang kanyang pahayag na isang kasambahay na Pilipina ang kanyang nanay.

Kaugnay nito, hinahamon ng senadora si Guo na magpa-DNA na kasama si Lin upang mabigyang linaw ang tila isa sa palaisipan sa totoong pagkatao at nationality nito.

Maalala, tinawag na posibleng ‘creeping invasion’ ng China ni Senadora Loren Legarda ang kaso ni Guo.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *