1 patay sa sunog dahil sa naiwang sinaing

PATAY ang isang lalaki sa nangyaring sunog sa Sibulan, Negros Oriental nitong Miyerkules, Mayo 29, 2024.

Natagpuan ang bangkay ni Lord Gablinez, 40-anyos na bedridden sa loob ng kanyang kwarto matapos maapula ang apoy.

Sa imbestigasyon, naiwang sinaing sa dirty kitchen ng kanilang bahay ang pinagmulan ng sunog.

Sugatan rin ang mga magulang nito na sina jane at alberto gablinez matapos subukang iligtas ang kanilang anak.

Umalis umano saglit ang nanay ng biktima upang bumili ng ulam.

Umabot sa P420,000 ang estimated damage sa nangyaring sunog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *