Fish vendor, nabagsakan ng puno ng niyog-sugatan!

Sugatan ang isang fish vendor matapos mabagsakan ng puno ng niyog habang minamaneho ang topdown sa National Highway ng Barangay Barong-Barong Brooke’s Point.

Kinilala ang biktima na si Ian Rico, nasa hustong gulang na residente ng Barong- barong.

Read More:  Habagat batters Davao Region: 909 families affected, four dead, five missing

Ayon sa inisyal na impomasyon, bandang alas-otso ng umaga ngayong Huwebes ay magde-deliver sana ng mga isda ang biktima nang biglang nabuwal ang puno dahil sa malakas na hangin at ulan.

Read More:  Partner named person of interest in marine biologist’s killing

Agad sinaklolohan ng mga nakatira malapit sa pinangyarihan at isinakay sa isang pampasaherong van para madala sa pagamutan ang biktima.

Samantala, pinag-iingat ng MDRRMO Brooke’s Point ang mga biyahero.