Patay sa saksak ang isang Ariel P. Matiga, 25 anyos sa FBLB Mecoy 2 Boat, Panacan Pier, Barangay Panacan 1, Narra, Palawan ganap na 12:30 umaga ng Huwebes, June 30, 2022.
Kinilala ng Palawan Provincial Police Office ang suspek na si Winsel Mariscal Ramellite, 26 anyos residente ng Purok Changgco, Barangay Bawing, General Santos, City.
Sa imbestigasyon ng pulisya, bago ang insidente ay nag-iinuman ang suspek at biktima kasama ang iba pa kung saan nagkaroon sila ng pag-aaway.
Inawat umano ng suspek ang mga ito subalit nalaglag sa tubig ang biktima pero nang tulongan nitong hilain paakyat ng bangka ay sinaksak siya nito. Hanggang sa maagaw ng suspek ang patalim na ipinansaksak ng maraming beses sa binata.
Sinubukan pang dalhin sa Narra Municipal Hospital ang biktima pero hindi na ito nakaligtas.
Samantala, kulong na ang suspek at nahaharap ngayon sa kaso.