Inirekomenda ng Commission on Elections (COMELEC) Law Department ang paghahain ng misrepresentation charges laban kay suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Ito ay matapos mag-match ang election records ni Guo sa fingerprint ng isang Guo Hua Ping.
Kasunod naman ito ng isinagawang fingerprint analysis ng ahensya.
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, dahil iisang tao lang ang mga ito, at Chinese si Guo Hua Ping – ang presumption ay may nangyaring misrepresentation.
Nangangahulugan umano ito na dahil hindi siya Pilipino, dapat siyang kasuhan ng kasong kriminal.