Rider, patay sa aksidente sa Puerto Princesa

Patay ang isang motorcycle rider habang nasugatan ang nakabangga dito sa South National Highway sa Barangay Tiniguiban ng Puerto Princesa City bandang 2:30 ng umaga ngayong Huwebes, Agosto 1, 2024.

Ang nasawi ay si Abdulhapidz Nur, 41-anyos, na nagmaneho ng Honda Beat habang ang nakabanggaan nito ay si Romano G. Rodriguez, 18-anyos na nagmaneho ng Yamaha NMAX.

Read More:  Antique vlogger dies after alleged electric shock from videoke microphone

Sa imbestigasyon ng pulisya, walang CCTV sa pinangyarihan nang bumangga si Rodriguez kay Nur na dinala sa pribadong ospital.

Ayon sa mga saksi, habang sila ay naglalakad sa labas ng kalsada malapit sa Falcon Crest, si Nur ay huminto sa labas ng linya ng Brgy. Tiniguiban papunta sa Brgy. San Pedro. Nang magdesisyon ito na kumanan patungo sa lokasyon ng mga saksi, bigla raw bumangga si Rodriguez kay Nur.

Read More:  Two killed after fuel tanker crashes into roadside food cart in Negros Occidental

Ito ang nagdulot ng pinsala sa motorsiklo at malubhang pinsala sa katawan ng nasawi, habang si Rodriguez ay nagtamo ng mga gasgas sa katawan bago siya naaresto sa Ospital ng Palawan.