Bagong modus ng “congressional pork” sa pambansang budget, isiniwalat ng Makabayan Bloc

Ibinunyag ng mga miyembro ng Makabayan Bloc sa Kamara ang umano’y bagong modus upang mailusot sa pambansang budget ang tinawag nilang “presidential superpork” at “congressional pork”.

Sa pulong balitaan ngayong araw, ipinrisinta nina Gabriela Representative Arlene Brosas, ACT Teachers Representative France Castro at Kabataan Representative Raoul Manuel ang breakdown ng umano’y pork barrel na ikinukubli sa pangalang “unprogrammed appropriations”.

Ipinaliwanag ni Brosas na ang unprogrammed appropriations ay mga proyekto o programa na hindi nakasaad sa line items ng national budget kaya hindi makikita ng Kongreso.

Read More:  Senate minority bloc members want Gatchalian as new SP

Batay sa datos na isinapubliko, palaki nang palaki ang unprogrammed appropriations mula taong 2021 hanggang 2024.

Giit ni Brosas, ang National Expenditure Program para sa taong 2022 ay may unprogrammed appropriations na nagkakahalaga ng mahigit 151 million pesos ngunit nang maging ganap na batas o General Appropriations Act ay tumaas sa 251 million pesos.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Kapansin-pansin din umano na lubhang lumobo ang pork pagdating ng 2023 mula 588 million pesos patungong 807 million pesos.

Para naman sa 2024, 731 million pesos ang hindi kasama sa line item na nasa General Appropriations Act.

Idinagdag pa ni Castro na ang ginagawa ng Development Budget Coordination Committee, DBM at Office of the President ay nagbabawas umano ng pondo mula sa programmed upang magkaroon ng alokasyon ang insertions.