SORSOGON CITY – Naghain ng panukala ang ilang Konsehal sa bayan ng Bulan upang bigyan ng financial assistance ang sinumang frontliners na magpopositibo sa coronavirus disease o Covid-19.
Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News, mag lilimita sa P5,000.00 ang maaring matanggap ng isang frontliner ngunit para lamang ito sa mga maoospital o mako-confine sa Covid ward.
Layunin nito na mas mabigyan pa ng proteksyon ang mga frontliners dahil sa patuloy na pagsipa ng kaso sa lalawigan
.
Sa ilalim ng panukala, pasok din sa mga maaring makatanggap nito kung maaprubahan ay ang mg Barangay Health Workers (BHW), RHU personnel, mga guro sa pribado man o publiko at mga empleyado ng munisipyo, job order man o permanent employees.
