COVID-19 cases ng PNP, tumaas sa 47,334

Naiulat ng Philippine National Police (PNP) nitong Lunes ang 169 na bagong mga kaso ng COVID-19 mula sa hanay nito na dahilan para umangat ang kabuoang bilang nito sa 47,334.

Ayon sa PNP, 44,192 ng nasabing infections ang naka-recover na mula sa sakit habang nasa 3,016 pa ang mga aktibong kaso.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Nanatili naman sa 126 ang death toll ng PNP.

Samantala, inanunsyo rin ng PNP na fully vaccinated na kontra COVID-19 ang nasa 217,469 na tauhan nito habang nasa 6,738 naman ang naghihintay pa para sa kanilang second dose.

Read More:  Cayetano backs SEA Games probe, seeks flood control investigation

Umabot naman sa 72,003 na tauhan nito ang nakatanggap na ng booster shots.