Makatatanggap ng P85-M na halaga ng tulong mula sa Department of Agriculture (DA) ang mga hog raisers na apektado ng African swine fever (ASF) na tumama sa probinsya ng Bataan.
Ayon kay provincial veterinarianDr. Alberto Venturina, magpapalabas ang DA ng pondo, maliban sa 2,000 biik sa ilalim ng Integrated National Swine Production Initiatives for Recovery and Expansion program ng ahensya.
Sa ngayon, ine-evaluate na ng DA ang mga posibleng benepisyaryo sa naturang probinsya.

Dagdag ni Venturina, ang mga recommended beneficiaries ay cooperatives at hog raisers’ associations.
Inaasahan naman na sa ikalawang quarter ng taon ipapatupad ang naturang programa. //MHEL PACIA-TRINIDAD