Nalunok ng isang Filipino-american na si Dannah McMichael ang kaniyang wedding ring.
Sabi niya na nalunok niya umano ito dahil sa jeet lag sa byahe sa Atlanta, Georgia, papuntang Pilipinas, at diretso sa Thailand.
Hindi niya napansin na kasama sa mga tableta na kaniyang nalunok ang singsing kaya agad siyang sumailalim sa isang X-ray para mabigyan siya ng kasagutan.
Makalipas ang dalawang araw, lumabas ang resulta ng kaniyang X-ray at doon na nakita na kumpirmado ngang nalunok niya ang kanyang wedding ring.
Bakas na bakas ito sa resulta ng X-ray ang singsing na white gold na kung saan ay napapalibutan ng limang mga bato. ### KENNETH BERMIL