Filipina Barbie doll na dinesenyo ng Fil-Am artist – sikat online

Trending ngayon sa online ang inilabas na bagong Barbie doll na inspired sa heritage at haute couture style sa Pilipinas.

Sa mga picture na makikita sa social media, nakasuot ang doll ng Philippine sun crown corset na may terno ng sleeves, gold janggay jewelry, at bakya platforms na may bahay kubo designs. Mayroon din itong indigenous batok tattoos.

Ang nasabing manika ay idinesenyo ng isang Filipino-American artist na si Carlyle Nuera. Siya rin ang artist na nagdisensyo ng Mutya Barbie na inilabas noong 2015.