SORSOGON CITY – Sa pamamagitan ng simpleng paggawa ng mga naiibang istratehiya sa pagtuturo partikular na sa larangan ng pagbasa at sa paggabay sa mga estudyanteng nangangailangan ng tulong.
Ayon dito, wala sa kanyang hinagap na ang isang napakasimpleng inisyatiba ay magbubunga ng malaki at maghahatid sa kanya sa kung saan mang estado siya ngayon.
Si Rubio ay Grade 3 teacher sa Calao Elementary School sa bayan ng Pto. Diaz kung saan kabilang sa mga parangal na kanya nang natanggap ay ang Dangal ng Bayan Award noong taong 2019 at ngayon ay nakakuha siya ng pwesto sa Top 50 ng Global Teacher Prize, isang prestihiyosong paggawad na naglalayong kilalanin ang mga pagsisikap ng mga guro at ang kanilang impluwensiya hindi lamang sa loob ng silid-aralan ngunit pati na rin sa kanilang komunidad.
Ang mananalo sa Global Teacher Prize ay makatatanggap ng premyong $1 milyon.
