Ibinahagi ng singer na si Angeline Quinto ang kanyang nagpapatuloy na pregnancy journey, kabilang na ang mga pagkain na kanyang pinaglilihian, biglaang pagbabago ng mood at body pains.
Inamin nito may mga pagkakataon rin umano na umiiyak siya ng walang dahilan, at minsan naman sobrang saya.
Dagdag ni Angeline, sobra siyang naging antukin nung simula ng kanyang pregnancy, pero natutunan naman umano niya itong labanan sa pamamagitan ng pag-aaliw sa saliri, pagiging abala, pagligo agad sa umaga at pag-eehersisyo.

Ilan naman sa mga pagkain na hinanap-hanap ni Angeline ay ang penoy at saka balut na maraming suka.
Samantala, nakaranas rin si Quinto ng panankit sa kanyang likod, kabilang na sa kanyang kaliwang balakang, na nagreresulta sa kanyang hirap sa pagtulog at pagbangon. //MHEL PACIA-TRINIDAD