Inihayag ni Justice Secretary Menardo Guevarra na subject sa international manhunt ang negosyanteng si Peter Lim, simula noong March 2019, ilang buwan matapos ipag-utos ng Makati court ang pagpapaareto sa kanya dahil sa drug case.
Ayon kay Guevarra, batay sa impormasyon mula sa Philippine Center on Transnational Crime, si Lim ay nasa red notice list ng International Criminal Police Organization (INTERPOL).
Sa ngayon, hindi pa matukoy ang lokasyon ni Lim, matapos sabihin ni Interior Secretary Eduardo Año na ang naturang negosyante ay nakaalis na ng Pilipinas.
Pero batay sa datos ng Bureau of Immigration, walang record na nagsasabing nakaalis ng bansa si Lim kamakailan.
Nabatid na ang passport ni Lim ay nag-expired noon pang 2019, at ang huling foreign trip nito ay noon namang 2017. // MHEL PACIA-TRINIDAD