Kinumpirma ni Food and Drug Administration Director-General Eric Domingo na nasa 361 mula sa 5.8 million vaccinees na nakatanggap ng first dose ng Sinovac at AstraZeneca vaccines ang nahawa parin ng COVID-19.
Ayon kay Domingo, 173 mula sa 3.7 million vaccinees na tumanggap ng first dose ng Sinovac vaccine ay nahawa ng COVID-19, kung saan 11 dito ang nasawi dahil sa severe respiratory disease, habang 188 mula sa 2.1 million individuals na nabakunahan ng AstraZeneca bilang first dose, ang nahawa sa virus, at 11 dito ang pumanaw.
Para naman sa second dose, mula sa 1.6 million individuals, 60 vaccinees na tumanggap ng Sinovac vaccine ay nahawa sa COVID-19, habang anim naman mula sa 427,000 vaccinees ng AstraZeneca vaccine ang nagkasakit, pero ang mga ito ay mild cases lang at walang naiulat na fatalities.

FILE PHOTO: Vials of the AstraZeneca’s COVID-19 vaccine are seen in a general practice of a doctor, as the spread of the coronavirus disease (COVID-19) continues, in Vienna, Austria April 30, 2021. REUTERS/Leonhard Foeger 
Sa kabila nito, binigyang diin ni Domingo ang kahalagahan at benepisyo ng pagpapakuna laban sa COVID-19.
Iginiit rin nito ang kahalagahan ng pagkompleto sa dalawang vaccine doses. // MHEL PACIA-TRINIDAD
