COVID- 19 Vaccination Coverage sa Camarines Norte umabot sa 82. 6 percent sa pagtatapos ng 2022

CAMARINES NORTE- Umabot sa 82. 6 percent ang COVID- 19 vaccination coverage sa lalawigan ng Camarines Norte sa pagtatapos ng 2022.

Sa datos mula sa Provincial Covid- 19 vaccination operation center hanggang noong Disyembre 28, 2022 nasa 358, 680 ang nabakunahan sa target na 434, 382.

Nasa 325, 003 naman o 74. 8 percent ang fully vaccinated o nakumpleto na ang primary series habang nasa 51, 800 o 11. 9 percent ang nakatanggap na ng booster dose.

Ang pinakamaliit na bayan ng San Vicente ang may pinakamataas na bahagdan ng vaccination coverage na nasa 116. 3 percent.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Sa target population na 7, 740 nasa 8, 998 ang nabakunahan.

Ang Daet ay nasa 98. 8 percent na ang vaccination coverage. Sa target population na 78, 046 nasa 77, 102 ang nabakunahan.

Sinusundan ito ng Capalonga na nakapagbakuna na ng nasa  97. 7 percent ng kanilang constituents.

Nakapagtala naman ng 95. 6 percent vaccination coverage ang Basud at 93. 2 percent naman ang Talisay.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Ang nalalabing mga bayan ay mas mababa pa sa 90 percent ng kanilang target population ang nababakunahan.

Ang San Lorenzo Ruiz ay nasa 81. 8 percent,  Mercedes 81. 7 percent, Labo 74. 1 percent, Jose Panganiban 73. 5 percent at Vinzons 72. 1 percent.

Dalawang bayan na lang sa lalawigan ang mababa pa rin sa 70 percent ang vaccination coverage.

Ito ay ang Sta Elena na nasa 69. 2 percent at Paracale na nasa 67. 5 percent