Farmers and Fisherfolks Day, ipinagdiriwang sa Laurel, Batangas

Batangas City – Ipinagdiriwang ngayong araw ng June 21, 2024, ang Farmers and Fisherfolks Day Program sa bayan ng Laurel, Batangas.

Ito ay bilang pagbibigay pugay sa mga magsasaka at mangingisda na itinuturing na “Super Hero” dahil sa malaking ambag ng mga ito sa agrikultura.

Bahagi rin ito ng pagdiriwang ng Laurel 55th Founding Anniversary at 6th Tilapia Festival.

Kabilang sa mga aktibidades na magaganap ay ang Best Hapag Community Garden, Magiting na Samahan ng mga Katangi-tangi, Agri-fair Community Farmer’s Market, Hulihan ng Biik, Balsag Juan, at Juego De Anillo.