Sufficiency level ng agri-products sa buong MIMAROPA, tumaas

Batangas City – Sa nagdaang Kapihan sa Bagong Pilipinas ng DA MIMAROPA, inihayag nila na ang mataas na sufficiency level ng mga agri-products sa MIMAROPA ay dahil sa intervention ng gobyerno.

Ayon kay Atty. Christopher Bañas ang Regional Executive Director ng DA MIMAROPA, nagpapatunay lamang umano ito na ang intervention ng kagawaran ay epektibo at tuloy-tuloy.

Aniya pa, mapapanatili ang mataas na sufficiency level kung mas lalong mabibigyang pansin ang mga magsasaka.

Sinabi rin ni Atty. Bañas na kailangan ng malaking pondo upang magtuloy-tuloy ang mga interbensyon para sa mga magsasaka at kung malaki ang pondo mas maraming magsasaka ang matutulungan.

Samantala, kabilang sa nakikita nilang malaki ang potensyal pagdating sa agrikultura ay ang probinsya ng Mindoro, dahil aniya sa malalawak at magagandang lupain ng Mindoro.