Batangas City – Nagpaalala sa publiko Batangas City Disaster Risk Reduction and Management Office o CDRRMO na mag-ingat ngayong panahon ng tag-ulan.
Anila, dapat maging handa sa mga posibleng epekto ng tag-ulan katulad ng pagbaha, pagguho ng lupa at pagdulas ng mga kalsada na karaniwang sanhi ng aksidente.
Ugaliin din aniya ang pagdadala ng payong o kapote at iwasang dumaan sa mga baha lalo na kung mayroong sugat, upang hindi ma-infection at makaiwas sa sakit na leptospirosis.
Mensahe naman ng Batangas CDRRMO sa mga residente sa Lungsod, na makipagtulungan ang mga ito sa kanila upang maging ligtas ngayon panahon ng tag-ulan.