Farm-to-market road sa Kayapa, natapos na

Binuksan na ang Farm-to-Market Road sa Sitio Balangabang at barangay Kayapa Proper West Kayapa Nueva Vizcaya.

Pinangunahan ang inagurasyon nina Governor Jose Gambito former Governor Ruth Padilla, mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan at lokal na opisyal ng Kayapa.

Read More:  Nearly 700 topless violators recorded in Davao City in one week

Ito ay may habang 921 meters at lapad na tatlong metro at nagkakahalaga ng 5 million pesos na pinondohan ng provincial government sa pamamagitan ng kanilang 2024 20% Development Fund at ipinatupad ito ng Provincial Agriculture Office.

Read More:  Six CTG members surrender in Eastern Visayas

Sinabi ni Governor Gambito na ang proyekto ay bahagi ng programang ‘’ “Kalsada ti Kabanbantayan”.

Layunin nito na mas mapabilis ang transportasyon ng mga residente at paglalabas ng kanilang mga produkto.