Sinentensiyahan ng 15 taong pagkakakulong ang isa sa mga sikat na engineer sa South Africa matapos madiskubreng peke pala ang kaniyang Curriculum Vitae.

Nabisto umano si Daniel Mthimkhulu matapos ang ilang taong pagtatrabaho sa isang kilalang kumpanya sa naturang bansa.
Hindi rin aniya nagtaka ang ilang kumpanya kay Mthimkhulu dahil naging head engineer pa siya sa loob ng 5 years at naging matagumpay din ang kaniyang career.
Sumusweldo umano si Mthimkhulu ng $156,000 o P8.7 milyon.