Mapua University patuloy pang iniimbestigahan ang pananakit umano sa isang referee

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng Mapua University kuagnay sa pananakit sa isang referee matapos ang pagbubukas ng NCAA Season 100 nitong sabado.

Ayon sa Mapua, wala pa silang pinal at malinaw na imbestigasyon kaugnay sa i-papataw na parusa sa mga sangkot.

Hindi aniya nila kinokonsinte ng anumang uri ng karahasan pero hindi sila magdadalawang isip  na magpataw ng kaukulang parusa.

Sa ngayon wala raw bina-ban ang Mapua habang hindi pa tapos ang imbestigasyon.