Family planning program sa Naga City epektibo rin sa kabila ng mga naitatalang tumataas na bilang ng mga teenage pregnancies

NAGA CITY –Epektibo ang programang family planning sa Naga City batay sa pahayag ng mga Barangay Service Points Officer dahil sa naitatala nilang kakaunting bilang ng mga nabubuntis mula pa noong nakaraang taon hanggang ngayong taon 2023.

Bagamat mababa ang bilang ng mga ito, mataas naman ang naitatala nilang teenage pregnancies o itong mga kabataang maagang nabubuntis, pinakamamabang edad ay 14 taong gulang.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Tulad ng sa Barangay Triangulo na may limang mga kabataang buntis na inaalagaan ng Barangay Health Center sa pamamagitaan ng pagmonitor sa kalusugan ng mga ito, mula sa pagkain na dapat masustansiya para sa kabutihan na rin ng sanggol na nasa sinapupunan ng mga ito.

Ayon naman kay Jurie Cantor, isa sa family planning ng focal person ng barangay, isa ito sa tinututukan nila, ang teenage pregnancies issue at ang paggamit ng mga contraceptive methods, gaya ng condom

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Nabanggit ni Cantor na hanggang ngayon may mga lalaki pa ring nahihiyang humingi ng ng condom sa center kaya ang mga asawa o kalive-in ng mga ito an ang lumalapit sa kanila.

Isa sa dahilan ng teenage pregnancy ay ang kawalan ng magulang ng mga ito o kaya naman ay napapabayaan.