Binatang naaktuhang nagnakaw sa tindahan, arestado sa Manito, Albay

LEGAZPI CITY – Sa kulungan ang bagsak ng isang binata matapos itong mahuli sa akto ng pagnanakaw sa loob ng tindahan sa Purok 2, Brgy. It-Ba, Manito, Albay.

Kinilala ang suspek na si Mark Angelo Azueta y Daria, 19 anyos na residente Purok 5, Brgy. Bamban.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Ayon sa report, nakatanggap ang Manito MPS ng tawag mula kay Raul Daz y Alvarado, 56 anyos, negosyante tungkol sa pagnanakaw sa kanyang tindahan.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Agad na pinuntahan ng mga otoridad ang lugar at dito naaktuhan ang suspek na nagnanakaw ng pera.

Dahil dito, tuluyan nang inaresto ang suspek.

Agad naman itong dinala sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.