Hinimok ng Commission on Population and Development (Popcom) ang Commission on Elections (Comelec) na talakayin ang mga isyu na may kaugnayan sa population at reproductive health sa bansa.

Ayon kay Popcom undersecretary Juan Antonio Perez III, nagbigay ang kanilang ahensya ng mga tanong sa Comelec para sa mga kandidato sa national offices hinggil sa kanilang plano sa nagpapatuloy na pagpapatupad sa Responsible Parenthood and Reproductive Health (RPRH) Law at population development policies.
Dahil dito, umaasa silang matutugunan ito sa susunod na set ng debates at interviews.
Dagdag ni Perez ang discussions at pagpapalitan ng ideya sa mga tumakatakbon kandidato ay magbibigay ng mas malaking larawan sa kanilang paninindigan hinggil sa naturang usapin.
Mababatid na ang lahat ng presidential candidates tutol sa abortion.