‘Health protocols’ isa sa mga guidelines sa examination – PRC Bicol

LEGAZPI CITY – Tuloy tuloy na ang pagtanggap ngayon ng mga aplikante na sasailalim sa examination sa Professional Regulation Commission (PRC) Bicol ngayon buwan ng Abril hanggang sa mga susunod pang mga buwan.

Ayon kay Jerome Bañes, ang Chief Professional Regulation Officer ng nasabing ahensya, kailangan sundin ang mga guidelines sa health measures and health protocols bago ang examination.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Ito ay alinsunod sa Join Administrative order (JAO) ng DOH at IATF na kailangan ipatupad tulad ng social distancing, facemask, vaccination card o certification of 14 days Quarantine na pirmado sa Municipal Health Officer o barangay at Negative RT PCR test Result kung wala ang vaccination card.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Maliban pa rito, aabot sa 9 na examinees ang pinahihintulutan na pumasok sa silid aralan.  Sinabi ng opisyal, parami ng parami na ang examinees ngayon taon upang matulungan ang kakulangan sa loob ng ahensya ng Gobyerno.