Fake news maaaring maging dahilan ng pagkalat ng COVID- 19 ayon sa DOH

CAMARINES NORTE- Pinaalalahanan muli ng Department of Health ang bawat isa na maging responsable at mapanuri sa iba’t- ibang naglalabasang impormasyon tungkol sa COVID- 19 lalo na sa social media.

Sa isinagawang virtual Press Conference noong sabado sinabi ni DOH Bicol Regional Director Dr. Ernie Vera na kasabay ng pagdami ng mga kaso ng COVID- 19 ay dumarami rin umano ang naglalabasang fake news.

Ayon kay Vera kung hindi magiging responsable ang bawat isa ay pwede itong maging dahilan ng pagdami pang lalo ng mga tinatamaan ng sakit.

Read More:  Wounded NPA member rescued after Negros encounter

Inihalimbawa ni Vera na mayroon pa rin hanggang ngayon na nagsasalita umano na hindi totoo ang COVID- 19 at hinihimok pa ang mga tao na huwag magsuot ng face mask at huwag sumunod  sa mga health protocol.

May mag nagsasabi rin umano na lahat na lang ng sakit ay ginagawang COVID kahit simpleng ubo at sipon.

Paliwanag ng doctor na mayroong ginagawang test para malaman kung may covid o wala ang isang tao.

Hindi aniya sila basta naglalagay ng pangalan sa line list ng mga positibo sa sakit kung hindi dumadaan sa RT- PCR test.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

May naglalabasan din aniyang fake news tungkol sa mga bakuna na hindi raw ito nakakatulong.

Sabi ni Vera may mga pag- aaral na nagpapakita na nakakatulong ang bakuna upang maiwasan ang severe o critical case ng COVID- 19.

Kaya naman nakikiusap umano ang DOH sa lahat na maging responsable sa mga nababasang impormasyon at i- verify ito sa tamang sources.

Hindi aniya lahat ng nakikita o nababasa ngayon sa social media ay legit kaya importanteng maging mapanuri.