Face shield, mandatory pa rin sa mga lugar sa Angeles na nasa granular lockdown

Mandatory pa rin ang pagsusuot ng face shield sa mga lugar na nasa granular lockdown sa Angeles city.

Ito ang laman ng memorandum no. 1524 na nilagdaan ni Mayor Pogi Lazatin.

Nakasaad din sa naturang memorandum na bagaman boluntaryo na ang pagsusuot ng face shield sa mga lugar na may mababang alert level tulad ng Angeles,  hinihikayat pa rin nila ang mga Angelenos na magsuot nito kapag nasa indoor settings, lalo na sa mga high risk areas tulad ng clinics at hospital.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Gayundin sa mga staff ng mga establishemento na nag se-serve o naghahanda ng pagkain.

Habang binibigyan naman ng diskresyon ang mga private establishment sa pagpapatupad ng bagong kautusan hinggil sa pag gamit ng face shield.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Sa ngayon wala pa namang mga lugar sa Angeles na nasa ilalim ng granular lockdown.

Maaalalang inanunsyo nakaraan ni Pangulong Rodrigo Duterte na boluntaryo na lang ang pagsusuot ng face shield sa mga lugar na nasa alert level 3 pababa.