Exboyfriend na nagbantang magpapakalat ng hubad na larawan, arestado sa Naga City

NAGA CITY- Kalaboso ang isang 42-anyos na lalaki sa pagbabantang pagpapakalat ng hubad na larawan at video ng kaniyang 22 anyos na ex-girlfriend.

Ikinasa ng mga otoridad partikular na ng Naga at Camarines Sur Cybercrime unit kasama pa ang Naval Forces Southern Luzon ang entrapment operation sa may gate ng Basilica Minore, Barangay Balatas Naga City, nang magkasundong magkikita ang mag ex at idedelete ang mga larawan pero tinatakot ang babae kaya rumisponde ang mga pulis.

Read More:  Trailer truck plunges off Bukidnon bridge, three trapped for two hours


Pinusasan ang subject na residente pa ng Magarao, Camarines Sur, sa pamimilit o pagpuwersa pa sa kaniyang ex na makipagbalikan at kung hindi susunod ilalabas ang naturang mga larawan at videos.
Mahaharap ito sa kasong paglabag sa RA 9262 o “Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004”, pati na rin “Cybercrime Prevention Act of 2012” at RA 11313 “Safe Spaces Act”.
Payo ni Babagay iwasan ang pagvideo sa mga pribadong sandal.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid