NAGA CITY – 490 na mga mag-aaral ang pumasa at benepisyaryo ng Naga City Summer Employment for Students Program ng Lokal na Pamahalaan ngayong taon. 110 para sa Special Program for Employment of Students at 380 naman sa unang batch ng Summer Employment for Enrollment.
Sa panayam kay Nonoy Reforsado, Head ng Metro Naga Public Employment Service Office, mas prinayoridad ang mga indigent at graduating student sa kolehiyo upang mas magamit sa pag-aaral at enrollment ang perang kikitain nila, maliban sa ito ay magiging work experience na nila na magagamit balang araw, lalo na’t ang deployment ng trabaho sa mga opisina ng LGU, maging sa iba pang ahensya, nakadepende sa kakayanan ng isang estudyante.
P600.00 mahigit kada araw ang sweldo para sa SPES na kukunin ang 60% sa LGU, 40% naman sa Department of Labor and Employment at buong kukunin naman ang P395.00 na sweldo sa LGU para sa SEFE, sa loob ng 20 araw, na magsisimula na sa Hunyo 5 ang deployment ng trabaho.
Dagdag pa ng opisyal halos P6 milyon din ang inilaang pondo sa programa, na panawagan nito sa lahat ng mga benepisyaryo na huwag sayangin ang opurtunidad lalo na’t marami ang ninais na makapasok sa programa.