Nanindigan si Senador Robin Padilla na walang anumang batas na nilabag si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay hinggil sa controversial issue ng paglipat ng P47.6 bilyon ng Department of Health (DOH) sa Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM).
Alinsunod ito sa pagbanggit ni dating health secretary Francisco Duque III sa kamakailang congressional inquiry na si Duterte ang nag-utos sa kanya na ilipat ang nasabing pondo.
Ani Padilla, base sa Seksyon 4 ng RA 11469 o Bayanihan Law ay walang nilabag na batas ang dating pangulo dahil exempted o nabubukod ang pagbili ng personal protective equipment (PPEs) mula sa procurement law.
Dagdag pa niya, katulad lang din ng Pilipinas ang ibang bansa na sumuka ng salapi upang malabanan ang pandemic ng COVID-19.
Kaugnay nito, iginiit niyang hindi na dapat magbatuhan pa ng putik hinggil sa isyu na ito.