‘Purely tsismis lang.’
Ito ang paliwanag ni former Commander/Chief ng CEISSAFP at ngayo’y PAGCOR official Raul Villanueva kay PNP CIDG Dir. PMGen. Leo Francisco sa impormasyong may isang dating PNP Chief na tumulong na makalabas ng bansa si Alice Guo at tumanggap ng payola mula sa POGO.
Ayon kay MGen. Francisco, nagkausap sila sa telepono ni Villanueva at sinabi niyang “rumor” lang at wala siyang basehan sa kanyang pahayag sa pagdinig sa Senado kaya nagulat siya kung bakit naging malaking isyu ito.
Dahil dito, sinabi ni Francisco makakahinga na ng maluwag ang 24 na dating PNP Chief.
Ititigil na rin nila ang imbestigasyon na ito dahil ang mismong nagbigay ng impormasyon ay walang basehan.