Ama, pinakabitan ng CCTV ang ulo ng kaniyang anak

KAKAIBA ang naging hakbang ng isang ama sa Pakistan matapos na pakabitan ng CCTV ang ulo ng kaniyang anak.

Dahil sa kabi-kabilang mga krimen na nangyayari sa kanilang bansa, tila natakot na ang ama para sa seguridad ng kaniyang anak na babae.

Kaya para malaman ang mga ginagawa ng kaniyang anak, pinatungan ang ulo ng babae ng CCTV kagaya ng mga CCTV sa mga establesyemento, monitored ang buong araw ng anak.

Paano ka pa kaya makakalamyerda kung ikaw ay tila, bantay-sarado na?

Natuwa naman ang mga netizen matapos mag-viral ang video sa X habang ini-interview ang babaeng may CCTV sa ulo. | KENNETH BERMIL