Ex ni Dayanara Torres at Jennifer Lopez na si Marc Anthony, bf ni Miss Universe Paraguay 2021

Tila kinumprima na nina 2021 Miss Universe first runner-up Nadia Ferreira ng Paraguay at Latin singer, songwriter, at actor na si Marc Anthony ang kanilang relasyon, matapos naispatan sa iba’t-ibang okasyon na magkasama.

Ilan dito ay nang magpost sa social media post ang 53-year-old Latin star, na kasama ang 22-anyos na si Miss Paraguay beauty sa naging US concert tour nito.

Nilagyan nito ni Marc Anthony ng caption na, “May God multiply all that you wish for us,” ang kaniyang uploaded picture kung saan yakap niya ang model-beauty queen, at kapansin-pansin rin ang sweet na sagot ni Nadia sa kaniyang Instagram.

Dito, pinuri niya ang concert ng singer-songwriter na “unforgettable” na sinundan red heart emoji.

Matatandaan na si Marc Anthony ay naging asawa ni 1993 Miss Universe Dayanara Torres noong 2000 hanggang 2004 at nagkaroon sila ng dalawang anak, habang pitong taon naman ang naging pagsasama ng aktor at Grammy award-winning singer na si Jennifer Lopez, kung saan nagkaroon ito ng kambal na anak.

Pagkatapos ng kanyang divorce kay Jennifer Lopez, muling ikinasal si Marc Anthony sa Venezuelan model na si Shannon Lima, na nagtagal lang ng tatlong taon. //MHEL PACIA-TRINIDAD