Beyonce, Billie Eilish kabilang sa musical performers sa Oscars

Itatanghal nina music superstars Beyonce at Billie Eilish ang kanilang Oscar-nominated songs nang live sa Academy Awards ceremony sa March 27 ngayong taon.

Kaugnay nito, kakantahin ni Beyonce ang “Be Alive,” isang kanta kung saan siya ang co-writer para sa movie na “King Richard” na hinggil sa ama ng tennis legends na si Venus at Serena Williams.

Si Billie Eilish naman at ang kanyang kapatid na na si Finneas O’Connell ay magte-team up para sa kanilang James Bond theme song na “No Time to Die.”

Si country music star Reba McEntire rin ay kabilang sa mga performer, kung saan aawitin nito ang “Somehow You Do,” na kantang isinulat ni Diane Warren para sa movie na “Four Good Days,” habang ang “Dos Oruguitas” mula sa animated musical “Encanto” ay itatanghal ni Sebastian Yatra.

Ang apat ay magko-compete sa category na best original song sa Academy Awards ceremony.

Ang fifth nominee, na “Down To Joy” mula sa movie na “Belfast,” ay hindi magtatanghal, dahil sa tour schedule ng singer na si Van Morrison. //MHEL PCIA-TRINIDAD